8.7.07

Fear.

bata: takot po ako sa'yo tanga.
ale: bakit naman?
bata: eh ang salbahe mo po kasi tanga.
ale: salbahe? hindi kaya.
bata: salbahe ka po tanga.
ale: 'sus. 'di nga kita iniiwan eh.
bata: 'yun nga po 'yun tanga. 'di mo po ako iniiwan tanga.
ale: ano'ng ibig mong sabihin?
bata: nasasaktan po ako dahil sa'yo tanga.
ale: ba't naman?
bata: 'pag lumalapit po ako ng konti sa'yo sumasama po pakiramdam ko tanga.
ale: bakit? dahil maganda ako?
bata: ang kapal po ng mukha mo tanga.
ale: eh bakit pala?
bata: natatakot po ako kasi po maganda ka tanga.
ale: huh?! ang gulo mo.
bata: nasasaktan po ako kasi masarap 'yung pakiramdam 'pag nandiyan ka tanga.
ale: kunyari hindi nagkasalungat 'yung sinabi mo pitong linya bago 'to tsaka 'to.
bata: 'di mo naman po ako maintindihan tanga.
ale: ipaliwanag mo para masaya.
bata: masaya po ako 'pag nandiyan ka pero malungkot ako kasi po kapag lumapit ako ng konti sa'yo, nandiyan ka pa rin pero wala ka na pong pakialam sa'ken tanga.
ale: ...
bata: 'di ka na po namamansin tanga.
ale: ah ganun ba? ano gusto mong gawin ko?
bata: sana po pinapansin mo pa rin ako tanga. lagi mo po akong tinatawag pero kapag lumapit na 'ko parang pinagtitripan mo lang ako tanga.
ale: eh ba't nakakausap mo pa rin ako? 'di naman ako nangbabalewala ah.
bata: maya-maya ganun din po gagawin mo tanga. nakita ko po sa trailer tanga.
ale: ah, nanonood ka pala kahit commercial break.
bata: kahit naman po 'di ko panuorin 'yun, alam ko na po 'yung mangyayari tanga.
ale: pa'no naman?
bata: siyempre po eh parang replay lang po ito tanga.
ale: hinde, meh inedit dito. ang alam ko 'di kita sasaktan.
bata: eh ganyan din po sinabi mo sa'kin dati tanga.
ale: ganito ba?
bata: oo, ganyan po tanga.
ale: magmamahal ka ulit?
bata: takot po ako sa'yo tanga.
ale: magmamahal ka ulit?
bata: opo tanga.



thanks to dude and Karlo for Saturday's greatest lessons. to kuya and rojan for the fetch. yeah. to audrey for one great day. to elaine, beej and niane for visiting me in my sleep.

everyday I search, everyday I find.

1 comment:

Anonymous said...

errr di ko gets. ewan. tanga ko. pero mejo gets ko. haaa. ewan. pot pot. pot pot.